Showing posts with label Poetry. Show all posts
Showing posts with label Poetry. Show all posts

Friday, January 17, 2014

11th cor 28th

Huwag mo akong
Pagtawanan
O baliwalain

Ang bawat luha na
Pumatak, dumaloy
Ay lilipas din

Ngunit sa bawat
Panahon na iyong
Sasawayin,

May takot na
Namuo, lumago
Sa puso, sa isip.

Aking naaalala
Nakasulat, nakaukit
Nakubli sa ilalim;

Nahihirapan
Takot na lumaban
Baka iyong lisanin.

Kung umiiyak
Pagkat akoy nasaktan
Iyong intindihin

Lahat ay magagawa
Magpapaalila; manatili
Sa iyong piling

Humihingi ng tawad
Sa kamalian,
Paumanhin

Nagpapasalamat
Sa panahong inukol
Sa pakikinig.

Mahal kita higit sa
Sarili, sa buwan
At mga bituin.

Tuesday, December 17, 2013

Apat

Apat
Na taong tayong
Nakabuklod,
Aking kabiyak.

Saya,
Lungkot at pighati;
Ikaw lamang
Ang kasama.

Hindi
Susuko, o iiwan
Mananatili sa
Iyong tabi.

Pagibig
Ay hindi tanikala.
Dakila, nagpapalaya
Sa iyong piling.

Mahal
Ang umibig ay
Lumaban; di puros
Kasiyahan

Sagana
Man o sa kagipitan
Walang aasahan kundi
Isa't isa.

Umasa
Na hindi magbabago,
magiging tapat tayong
Dalawa

Nandiyan
Sa iyong tabi sakaling
kailangan ng
Sandalan.

Aasahan
Ika'y gayon din
Maging sa ating huling
Hantungan.