Namatayan ako ng kapatid, nabuntis ako, nagulo ng konte ang plano ko,
nawalan ako ng anak, nagulo muli plano ko, nadepress ako, nakaranas na
halos mabaliw at muntik magpakamatay sa naging problema (di ko na
babanggitin kung ano, tapos na yun), may mga pamangkin akong
sinusuportahan (katuwang ang magulang at natira kong mg kapatid) ng
pinansyal ng hindi ko ginusto. Wala akong pinagdaanan. Tuloy ko kasi
pang pinagdadaanan. Yun lang. Salamat. :-)
Isinulat ko ito bilang sagot sa isang kumento na nakapagpa-pantig sa aking tenga. Pinagdaanan. Na tila hindi ko alam ang pakiramdam nun o hindi ko naiintindihan ang konsepto nun.
Una sa lahat, sa edad kong bente-singko, mas marami na akong pinagdaanan kesa nakakarami... at tuloy ko pang pinagdadaanan lahat yun.
Lumaki ako sa bahay kung saan pareho ng aking magulang ay hindi na nagta-trabaho, na iniraraos ang pang-araw-araw naming gastos sa pamamagitan ng isang maliit na negosyo. Nakatapos ako sa private school hindi dahil may pera kami ngunit dahil marunong tumupad sa pangako ang nanay ko.
Promisory note. Kung kaya pinagbutihan ko ang pag-aaral ko, hindi sa pag-aangat ng bangko, pero pinilit kong maging magaling at nagpaka-talino dahil ang bilin ng nanay ko "Edukasyon lang ang pamanang maibibigay namin".
Cliche pero totoo. Lagi nyang sinasabi sa'kin tuwing magrereklamo ako na nahihirapan na ako mag-aral lalo na ng
Math sa UP, "Kung mahirap mag-aral, mas mahirap ang di nakapag-aral."
Lumaki ako sa isang magulong tahananan dahil sa kapatid ko na tila naghahanap ng problema at kung walang mahanap, ay syang gumagawa nito. Pampa-
adrenaline nya siguro. May mga panahon na kinakailangan kong magkulong sa kwarto at umiyak habang may
struggle ang buong pamilya dahil sa problemang dinala nya. Nag-bisyo, nagloko, nakulong, nag-bisyo, nakulong muli. Nangutang ng pam-pyansa. Namatay, nagiwan ng mga ulila at asawa, naghanap ng iba ang asawa at nang makahanap ng iba sa katwiran na kelangan ng katuwang, lalong naghirap at naiwan ang mga ulilang anak sa amin. Sa edad kong bente-tres, meron akong pinapaaral ng kolehiyo. Bente-singko, kolehiyo at
highschool. Maging magulang sa ganung edad, i-
try nyo nga.
Nakaranas na akong lokohin ng lalake at ipagpalit sa kung sinong putang
dancer na walang pinag-aralan. Nakakababa ng
self-esteem yon. UP graduate ako tapos ipagpapalit ako sa isang dancer na mas manipis pa sa
onion paper ang bokabularyo. Umiiyak ako sa gabi hanggang magmadaling araw. Tulala ako habang naglalakad.
Sabi ko mag-aaral pa ako, pero sa gitna ng pagpa-plano ng pagbabalik sa eskwela at mag-masters na, nabuntis ako. Nagulo ang mga plano. Naiba ang pokus ng buhay ko. Gusto ko na lang bigyan ng magandang buhay yung nasa sinapupunan ko. Wag na ako mag-aral ng
post-grad whatever shit. Magiipon na lang ako ng pera at magta trabaho ng malupit para yung anak ko makakapag-masters, PhD, LLB, MBA, kahit ano, kung gusto nya.
Ilang buwan sa pagbubuntis ko, nalaman ko na wala na pala yung bata, wala nang tibok ng puso. Nakunan ako. Dinala sa ospital para ma-raspa. Sa gitna ng
procedure na
D&C. Natutunan ko ang takot ng mga nanay sa panganganak, bagamat patay na sanggol na katumbas lamang ng dalawang kutsarang dugo ang kinayod mula sa matres ko ang lumabas. Ang daming aparato na nakakabit sa'kin. Isine-
sedate ako para matulog, pero nilalabanan ko dahil pakiramdam ko, pag natulog ako mamamatay ako dahil naririnig ko ang pagtunog ng
lifeline ko. Nagpa-
flatlline ako tuwing makakaramdam ng antok. Nagulo muli ang plano, di ko alam kung maituturing na
post-partum depression yun pero, na lungkot ako. Yung lungkot na nanunuot sa buto. Yung tipo na maiiyak ka na lang sa gabi, luluha pag may
commercial na pang-bata, pag may nakikita kang pamilyang magkakasama.
Nagdaan kami ng asawa ko sa isang problema na halos pumatay sakin, napakaaga sa aming relasyon. Umabot sa gusto ko nang mamatay dahil kung hindi, mababaliw ako. Ayoko nang ibigay ang lahat ng detalye, pero ganung ka-saklap. Tatlong kaibigan lang ang nasabihan ko sa problemang iyon. Sa kanila ako humihingi ng tulong at sumasandal, sila ang pumigil sakin na wakasan ang lahat.
***
Siguro me sa demonyo nga ako. Mas may tiwala kasi ako sa
scientist kesa sa
pari. Nakakakita ako ng mga butas sa katwiran ng mga pari sa sermon nila sa misa, pero hindi ko china-
challenge ang napatunayan na ng agham. Alam ko din may limitasyon ang lahat ng bagay, merong posible at imposible. Walang
point na idasal na mabuhay ang taong alam mo mamamatay na. Siguro sadista ang tingin nyo sa'kin. Pero sa totoo lang, mas pinapahirap nyo ang mga bagay sa ganyan. Sabi ng tatay ko, "May mga bagay na talagang mangyayari. Tulad ng kamatayan". Nagustuhan ko yun, dahil nung sinabi kong buntis ako at magpapakasal kami ng asawa ko noon sa edad kong bente-dos, hindi sya nagalit, tinanggap nya lang. Mangyayari at mangyayari kahit anong pigil mo, kahit anong dasal mo na hindi mangyari.
Hindi ako nagdasal sa gitna ng lahat na yun.
Tuwing may mahihirap na pagsusulit (
Math), sinasabi ng nanay ko ipagdadasal nya ako. Hindi naman kasi ako naniniwala, kaya ako nag-aaral lang lahat ng makakaya ko. Mas maganda para sakin yung aksyon kesa pagdarasal.
Nung nagkakagulo na sa bahay dahil sa kuya ko, hindi ako nagdadasal, sa gitna ng pag-iyak ko, ang iniisip ko lang kung anong magagawa ko para mabago ang kalagayan namin, na mag-aaral ako ng mabuti para makatapos agad at makaranas ng maginhawang buhay ang magulang ko dahil pinahirapan sila ng kuya ko.
Nung bigla kaming nagkaroon ng pag-aaralin sa kolehiyo at highschool nang mamatay ang kapatid ko, hindi ko inisip na magiging okay ang mga bagay dahil magpo
-provide ang Dios, si Allah, si Shiva, kungsinuman. Ang sinabi ko lang sa mga pamangkin ko, magtipid kayo at maga-aral ng mabuti at nag-trabaho lang ako. Tuloy-tuloy.
Nung lokohin ako ng lalaki, hindi ako nagdasal para bumalik sya sa'kin o tamaan sya ng kidlat. Nagsulat ako ng nagsulat. Inilabas ko ang sama ng loob ko at pinagisipan kung bakit nagkaganun... at natuto ako. Para hindi na maulit yun.
Nang mabuntis ako, di ko inisip na tutulungan kami ng Panginoon para malagpasan yun. Ang pagtingin ko, ginawa namin yun at kelangan naming maging responsable sa ginawa namin. Magtatrabaho kami para may kainin kami. Hindi kami magdarasal
for our daily bread.
Nung nawala ang
baby namin, nalungkot ako. Pero inisip ko na malamang nagkaganun dahil sa hindi
tip-top-shape ang katawan ko. Na hindi natuloy ang anak namin hindi dahil sa yung ang gusto ni Bathala, kundi dahil sa estado ng kalusugan ko. Na kelangan kong maging mas malakas para makapagluwal ng malusog na bata.
Nung nagka-problema kami ng asawa ko, di pa din ako nagdasal. Inisip ko kung ano ang makakapag-ayos sa mga nangyari. Nung una, gusto ko mamatay kasi unang beses kaming nagkaproblema ng ganung kalaki. Pero nang naayos na namin, tumapang lang ako, tumatag. Natuto muli.
Di ko kelangan ng liwanag mula sa langit o di nakikitang kalapati para tumapang... O magdesisyon na maging matatag.
Ang pagiging matatag at matapang ay isang conscious na desisyon. Tinanggal ko ang nauna kong sinulat na talata dahil hindi naintindihan ng marami ang ibig kong sabihin. Isinulat ko yun bilang isang pagyayabang -- madami akong pinagdaanan at tuloy na pinagdadaanan. Hindi ako humihingi ng tulong. Hindi ko kelangan magdasal para maging okay Hindi ko rin po kelangan ang pagdarasal nyo dahil hindi ako naniniwala dun.
Ang pinaniniwalaan ko ay nag-iisip ang tao, may kapasidad na matuto sa pinagdadaanan, sa bawat pagkakamali, at mula sa mga natutunan, dun sya tatatag. Pampatapang. Mas marami akong natutunang prinsipyo sa Fight Club at 1984 kesa sa mga misang dinaluhan ko nung nasa Catholic School pa ako.